POC tinapik ang US nutritionist para sa Myanmar SEA Games

MANILA, Philippines - Malaking gastos ang kakailanganin kung nutrisyon ng atleta ang pag uusapan.

 Sa tantiya ni PSC Chairman Ricardo Garcia nasa P1,000 kada araw ang kailangang gastusin sa isang atleta kaya malinaw na P30 thousand kada buwan ang kaila­ngan ng PSC. 

“Mahalaga ang tamang nutrition para manalo ang isang atleta. Kung walang gasolina hindi makakatakbo ang sasakyan,” wika ni Garcia.

Hindi naman manga­nga­hulugan na wala ng tsansa ang panlaban ng bansa dahil ang mga nasa priority lists ay bibigyan ng ganitong pagkakataon.

May US nutritionist na kinuha ang POC para ma­mahala nito.

Ang epekto nito sa Myanmar SEA Games ay pag-aaralan at kung maganda ang kahihinatnan ipaiiral din ito sa Incheon Asian Games sa 2014 na kung saan Chief of Mission si Garcia.

 

Show comments