ALMATY, Kazakshtan--Ginamitan ng London Olympian Mark Anthony Barriga ng lakas ng kamao, bilis at galing sa footwork si 2011 SEA Games silver medalist Ngoc Tan Huynh ng Vietnam tungo sa unanimous decision panalo sa AIBA World Boxing Championships sa Baluan Sholak Palace of Sports, Almaty, Kazakhstan noong Miyerkules.
Ito ang unang laban ni Barriga sa prestihiyosong boÂxing tournament at hindi naman siya nabigo sa hinangad na kumbinsidong panalo dahil 30-27 ang nakuha niyang iskor sa tatlong hurado para pasibatin na si Ngoc na nagtaglay ng halos tatlong pulgadang height advantage sa 20-anyos tubong Panabo City boxer.
Abante ang pambato sa light flyweight na si Barriga sa second round ngunit masusukat siya dahil ang kalaban niya ay si Yosvani Veitia Soto ng Cuba.
Si Soto ang number five seed sa torneo at siya ay natalo kay Zuo Shiming ng China sa London Games sa laban na ayon sa nakakaintindi ay dapat ibinigay sa Cubano.
Hindi naman natatakot si Barriga dahil ensayado siya para sa kompetisyon.
“Ok lang iyon. Pareho lang naman kami na nag- ensayo at nakita ko na naman ang laro niya. KondisÂyon naman tayo at paghahandaan ko na lang siya nang mabuti,†pahayag ni Barriga.
Ito ang ikalaÂwang panalo ng Pilipinas matapos manaig si flyweight Roldan Boncales kay Guatemalan Olympian Eddie Barillas noong Lunes.
Nalagasan naman ang Pambansang koponan nang natalo si SEA Games gold medalist Dennis Galvan kay Azerbaijan Olympian Gaybatulla Gadzhialiyev noong Martes.
Samantala, sasalang na si Mario Fernandez sa bantamweight divison laban kay Guyana national champion Imran Khan hanap na maging ikatlong Pinoy na umabante sa second round.