Rios handang-handa na para talunin si Pacquiao--Garcia

MANILA, Philippines - Handang ipalasap ni Brandon Rios ang ikatlong sunod na pagkatalo ni Manny Pacquiao.

Ito ang inihayag ng trai­ner na si Robert Garcia na naniniwalang nabawasan na ang lakas na taglay ni Pacquiao at patunay dito ay ang masasakit na pagkatalo kina Timothy Bradley at Juan Manuel Marquez noong 2012.

“I don’t see the same Pac­quiao  of five years ago,” wika ni Garcia nang naka­panayam ng Ringtv.

“I  know that a lot of peo­ple will agree with me, but we still need to prepare for that scary Pacquiao,” dagdag ni Garcia.

Ipinunto rin ni Garcia na si Rios ay mas bata sa Pambansang kamao at hindi aakyat ng timbang kaya inaasahan niyang mas mabilis ito kumpara kay Pacquiao.

“Brandon’s going to be faster. That’s one thing that we’re working on is his speed and he’s going to be faster. We’ve still got six weeks before the fight and he’s doing a good job. He’s knocking our sparring partners out,”  tila pananakot pa ni Garcia.

Ito ang ikalawang pagkakataon para kay Garcia na humawak ng boksingero na kalaban ni Pacquiao.

Ang una ay nangyari noong 2010 nang kunin siya ng kampo ni Antonio Margarito. Si Margarito ay binugbog ni Pacquiao para angkinin ang WBO welterweight title.

Mahirap naman na ma­nalo noon si Margarito da­hil bukod sa galing ito sa talo sa huling laban kay Shane Mosley, bumaba rin ito ng timbang na nagpahirap sa kanya.

Pero si Rios, iba ang kanyang nakikita sa resulta ng laban.

“Brandon’s goes to fight at welterweight so he doesn’t have to kill himself to make weight,” dagdag pa ng trainer.

 

Show comments