MANILA, Philippines - Gagawin sa Oktubre 19 at 20 ang SMART NatioÂnal Poomsae Taekwondo Championship sa Rizal Memorial Coliseum.
Tinatayang nasa 1,500 jins ang sasali sa torneo na katatampukan ng individual, standard, team standard at mixed pair-free style divisions.
Ang mga jins ay galing sa mga rehiyon ng ARMM, CAR, CARAGA at NCR habang ang teams na nagpatala ay ang Powerflex, Ateneo, San Sebastian College, UP, San Beda College, De La Salle Zobel, DLSU, More Than Medals, Team Baguio, Pangasinan, Cebu, PNP at AFP.
Ang mga sasali ay ikakategorya base sa kanilang edad at ito ay sa 9-11 boys and girls childred; 12-14 boys and girls Cadet; 15-17 men and women Juniors at 18-years old and above men at women Senior.
Tampok sa poomsae o form, ay ang tamang pagÂhinga, balanse, konsentrasÂyon at koordinasyon ng isip sa katawan.
Ang dalawang araw na torneo na inorganisa ng Philippine Taekwondo Association ay suportado rin ng SMART Communication Inc., MVP Sports Foundation, PLDT, TV5, Meralco, MILO at Philippine Sports Commission (PSC).