POC-PSC Batang Pinoy Luzon qualifying unang gold ng Marikina itinakbo ni Sayo
MANILA, Philippines - Pinangatawanan ni long distance runner Jeremie Jewel Sayo ang magandang reputasyon nang kunin ang unang gintong pinaglabanan sa pagbubukas kahapon ng Luzon qualifying ng 2013 Batang Pinoy Games sa Zambales Sports Complex sa Iba, Zambales.
Ang 14-anyos na seÂventh grader sa Marikina High School ay naorasan ng 17 minuto at 7.1 segundo upang dominahin sina James Galima ng Candon, Ilocos Sur (17:08.6) at Raymark Quezada ng Baguio City (17:28.8) sa boys 5000-meter run.
Paborito si Sayo na kuminang dahil siya ang Batang Pinoy national champion sa 1,500-run at nanalo rin ng ginto sa 800-meter sa Palarong Pambansa noong nakaraang taon.
“Gusto kong madepensahan ko ang 1,500-m title at maipanalo rin ang 5000-m,†wika ni Sayo na tatakbo pa sa 800-m at 1,500-m ngayon.
Si Mariz Sabado ng Umingan, Pangasinan ay nakasama sa mga nanalo matapos talunin ang kababayang si Kim Xyros Macanas sa 2000-m walk sa 13:11.6 bilis.
Samantala, nagbakbakan ang Manila at Quezon City sa pool events matapos manalo ng tig-dalawan ginto sa unang walong events na pinagÂlabanan.
Sina Palaro gold medalist Maurice Sacho Ilustre at Milcah Therese Mina ang mga kuminang sa Manila habang sina Akiva Jose Carino at Kirsen Chleo Daos ang nagdala ng laban sa Quezon City.
Ang iba pang nanalo sa pool ay sina Marc Audrey ng Malolos sa boys’ 11-12 400-m free at Dan Christian Leyba ng Baguio sa 11-12 200-m
back.
- Latest