PABA nagpapasaklolo kay MVP
MANILA, Philippines - Magbabakasakali ang Philippine Amateur Baseball Association (PABA) na lapitan si businessman/sportman Manny V. Pangilinan para tumulong sa pagbabalik ng sigla sa baseball sa bansa.
Ayon kay PABA secretary-general Tom Navasero, inimbitahan niya si MVP na isama ang baseball sa mga sports na kanyang tinutulungan.
Ang nakababatang Navasero ay kilala ni MVP matapos magkasama sa ilang proyekto sa negosyo at umaasa ang una na mapapaunlakan siya ng nirerespetong lider sa negosyo at sa palakasan.
Dating pangulo ng PABA ang ama ni Pangilinan na si Dominador Pangilinan at isa ito sa sinasandalan ni Navasero para tumulong si MVP.
“We have invited MVP to support and guide the association’s new leaders,†wika ni Navasero.
Walang pangulo ngayon ang PABA matapos mamaalam na ang ilang dekadang lider ng NSA na si Hector Navasero dahil sa karamdaman. Idinagdag pa ng nakababatang Navasero na ang kanilang chairman na si Dr. Emmanuel Angeles ay nakatakdang magpatawag ng pagpupulong para maghalal ng bagong opisyales.
“Chairman Angeles will call for a general meeting and I asked him to invite all baseball stakeholders that believe in improving Philippine baseball,†dagdag pa ni Navasero.
Nauna namang sinabi ni PSC chairman Ricardo Garcia na ayusin na ng PABA ang kanilang samahan para makuha ang pondong nararapat sa kanila.
Hindi nabibigyan ng tulong pinansyal ang PABA dahil hindi kinikilala ng POC ang nangyaring election daÂlawang taon na ang naÂkalipas.
May baseball event si Garcia na Chairman’s Cup at ito ay lalahukan ng 16 koponan na senyales na marami pa rin ang intereÂsado sa pagsuporta sa team sport na ito.
- Latest