^

PSN Palaro

Heat sunog sa Wizards

Pilipino Star Ngayon

WASHINGTION--Gumawa ng 29 puntos ang second year guard na si Bradley Beal para tulungan ang Washington Wizards sa 100-82 panalo sa Miami Heat noong Martes at ipalasap sa nagdedepensang kampeon ang unang pagkatalo sa pre-season.

May 10-of-15 shooting si Beal, kasama ang four-of-eight sa 3-point line, at kung regular season ang labanan, napantayan na ng guard ang kanyang career-high.

Nagdagdag ng 13 puntos, 8 assists, 5 steals at 5 turnovers si John Wall at ang Wizards ay nanalo sa unang pagkakataon sa tatlong laro.

SA OKLAHOMA CITY--Naghatid ng 22 sa kanyang 36 puntos si Kevin Durant sa first half para pamunuan ang Oklahoma City Thunder sa madaling 109-81 panalo sa Denver Nuggets.

May apat na tres siya sa unang apat na minuto sa second half at tumapos siya taglay ang13-of-20 shooting bukod pa sa 6 rebounds at 4 assists sa loob lamang ng 23 minutong paglalaro.

SA PHOENIX--May 24 puntos si Chris Paul ngunit kinailangan ng L.A.  Clippers ang matatag na endgame para kunin ang 102-96 panalo sa Phoenix Suns.

Nakitang naglaho ang 16-puntos kalamangan sa first half nang dumikit sa 95-94 ang  Suns, tumugon ng dunk si Lou Amundson bago sumablay si Kendall Marshall sa mahalagang buslo na siyang nagtiyak ng ikalawang panalo sa apat na laro ng Clippers.

vuukle comment

BRADLEY BEAL

CHRIS PAUL

DENVER NUGGETS

JOHN WALL

KENDALL MARSHALL

KEVIN DURANT

LOU AMUNDSON

MIAMI HEAT

OKLAHOMA CITY THUNDER

PHOENIX SUNS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with