Bumaha ng luha sa Mall of Asia Arena nung Sabado.
Sa panig ng La Salle, tears of joy. Sa panig ng UST, tears of sorrow.
Tinalo ng La Salle ang UST para sa kampeonato ng UAAP. Dehado ang La Salle lalo na matapos kunin ng UST ang Game 1 ng best-of-three series.
Pero nakialam ang tadhana. Kinuha ng La Salle ang Game 2 at ipinanalo ang Game 3 kung saan lumamang na ng 15 puntos ang UST.
Kanila na sana pero hindi pa rin pala.
Panalo na, natalo pa.
Umabot sa overtime ang laban matapos pakawalan ng UST ang panalo. Lumamang na rin sila sa mga hu-ling segundo ng overtime pero itinapon nila ang bola.
Umani ng batikos si Aljon Mariano ng UST dahil hindi maganda ang ipinakita nito sa mga finals. Kesyo biyahe daw o benta, sabi ng mga tagamasid
Pinagtanggol ni coach Pido Jarencio ang kanyang player. Siya na lang daw ang sisihin at huwag si Mariano.
Matapos ang laro, iyakan sa court ang mga players at ibang members pa ng team.
Huling taon na rin kasi ng ilang players sa magÂkabilang panig kaya lahat sila ay gustong manalo. Baka huling taon na rin ni coach Pido kung hindi ma-renew ang kanyang kontrata.
Magkaibang emosyon ang namayani sa Mall of Asia Arena nung araw na yon.
Kasiyahan sa La Salle. Pighati sa UST.