^

PSN Palaro

Sa Pinoy Pride XXIII Pinoy pugs mapapalaban sa Latinos

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Gagawa pa ng marka ang Pinoy Pride matapos iporma ang double-championship fights sa Nobyembre 30 sa Araneta Coliseum.

Pormal na inihayag ni ALA Promotions Vice President Dennis Canete ang gaganaping Pinoy Pride XXIII na makikilala rin bilang ‘Filipinos kontra Latinos”.

Tampok na bakbakan ay ang mga WBO title defense nina Donnie Nietes at Merlito Sabillo habang ang mga tinitingalang pro boxers ng ALA na sina Jason Pagara, Milan Melindo at AJ Banal ay mapapalaban din.

“This is the biggest event of all the Pinoy Pride. This gigantic boxing milestone puts not only one but also two- world championship belts on the line in one electrifying evening,” wika ni Canete nang dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate.

Itataya ni Nietes ang WBO light flyweight champion at si Gabriel Mendoza ng Colombia ang siyang kinakausap ng ALA habang itataya ni Sabillo sa ikalawang pagkakataon ang WBO minimumweight title laban sa walang talong Carlos Buitrigo ng Nicaragua.

Hindi pa naman alam kung sino ang  makakatapat nina Pagara, Melindo at Banal pero mga Latinos din ang kanilang makakasukatan.

 Ang magarbong pa-boxing event na ito ay may ayuda rin ng ABS-CBN.

ARANETA COLISEUM

CANETE

CARLOS BUITRIGO

DONNIE NIETES

GABRIEL MENDOZA

JASON PAGARA

MERLITO SABILLO

MILAN MELINDO

PINOY PRIDE

PROMOTIONS VICE PRESIDENT DENNIS CANETE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with