Sa FIBA Asia Women’s championship SEABA at Indonesia veterans ibabandera ng Perlas
MANILA, Philippines - Pitong beterano ng SEAÂBA at Indonesia SEA Games ang siyang pagÂhuhugutan ng lakas ng women’s National team para mapagtagumpayan ang misyon sa paglahok sa FIBA Asia Women’s Championship sa Bangkok, Thailand mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 3.
Sa pagdalo ni National coach Haydee Ong sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon, kanyang pinaÂngalanan sina Merenciana Arayi, Joan Grajales, Chovi Borja, Lalaine Flormata, Analyn Almazan, Casey Tioseco at Fil-Am Melissa Jacob na siyang sasandalan para tulungan ang koponan na maipanalo ang mga laban sa mga SEA teams upang makasama sa Myanmar SEA Games.
Kukumpletuhin ng mga bagitong sina Mary Joy Galicia, Bernadette Mercado, Fria Bernardo, Cindy Resultay at Denise Patricia Tiu ang koponan.
Ang host Thailand, na paborito na manguna sa Level II, Malaysia at Indonesia ang iba pang SEA countries na kasali at sila ay magtatangka na masama sa Level I sa susunod na edisyon.
Inaasinta rin ng Pilipinas ang umangat ng level pero mas masidhi ang makakuha ng puwesto sa Myanmar matapos umani ng pilak sa 2011 SEAG nang natalo sa Thailand sa overtime.
“Ang sabi sa amin ni Chief of Mission Jeff TaÂmayo, kailangang hindi kami matalo sa mga SEA counterparts,†wika ni Ong na sinamahan din sa Forum ng ibang manlalaro.
Mula 2012 ay nagsiÂmula na ng paghahanda ang koponan at tinuran ni Ong na ang lakas ng team ay ang kanilang speed, outside shooting at depensa para kontrahin ang height advantage na bitbit ng ibang koponan.
Aalis ang delegasyon sa Oktubre 25 at kinabukasan ang team manaÂgers meeting habang ang unang laro sa Oktubre 26 ay kontra Hong Kong na susundan ng tagisan sa Uzbekistan kinabukasan.
Sa Oktubre 29 ang pinakamatinding laban ng Nationals dahil katunggali nila ang Thailand.
Tinalo na ng Perlas ang Thailand sa finals ng 2010 SEABA Women’s Championship sa Ninoy Aquino Stadium pero ang Thais na may 6’4 center, ang may homecourt advantage ngayon.
“Kailangan na focus kami sa game plan na ginagawa namin for the last two months. Ang “A†game ng mga players dapat ilabas on that game,†ani ni Ong
May kumpiyansa naman ang mga manlalaro na kaya nilang maisakatuparan ang misyon.
“Ang failure na nangyari sa amin sa Indonesia ang pinanghahawakan namin ngayon. Mindset namin ay para bumawi. Itinuro na sa amin ni coach ang dapat naming malaman at nasa aming mga players na ito kung ano ang gagawin sa court,†ani Arayi na kasama si Grajales ay itinakda bilang co-team captains.
Huling dalawang laro ng koponan ay laban sa Malaysia (Oktubre 30) at Indonesdia (Oktubre 31) ngunit madali na lamang ang larong ito kung matalo ang Thailand.
- Latest