MANILA, Philippines - Unahan sa 1-0 kalamaÂngan ang mangyayari sa pagitan ng Cagayan ProÂvince at Smart-Maynilad sa pagtataas ng tabing para pasimulan ang Shakey’s V-League Season 10 Open Conference ngaÂyong hapon sa The Arena sa San Juan City.
Ang inaasahang maÂhigpitang tagisan ay magsisimula sa ganap na alas-4 ng hapon at itataya rin ng Lady Rising Suns ang kanilang 14-0 karta sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
Kasama sa mga pinataob ng bataan ni coach Nestor Pamilar ang Net Spikers sa dalawang pagkikita ngunit hindi dapat magkumpiyansa ang Lady Rising Suns dahil inspirado ang bataan ni coach Roger Gorayeb matapos silatin ang number two team sa Final Four at 2011 champion Philippine Army sa tatlong mahigpitang labanan.
Ang Lady Troopers ay sasalang laban sa Philippine Air Force sa ganap na alas-2 ng hapon para sa pagsisimula ng tagisan para sa ikatlong puwesto.
Si Dindin Santiago, na MVP ng first conference na dinomina ng National University at naglaro sa deciding Game Three para sa Smart ay alanganin pa kung makakasama ng koponan.
Ngunit handa ang Smart na bigyan ng matinÂding laban ang Cagayan dahil matikas pa rin ang puwersa ng koponan lalo pa’t patuloy ang pagganda ng inilalaro nina Thai import Lithawat Kesinee at Alyssa Valdez.
Makakatulong pa ng dalawa ang mga matitikas na sina Maru BanaticÂla, Sue Roces, Grethcel Soltones, Rubie De Leon, Jem Ferrer at isa pang Thai reinforcement Wanida Kotruang.
Hindi naman magpaÂpahuli kung lakas lamang ang pag-uusapan ng Cagayan dahil may ipinagÂmamalaki rin silang Thai imports na sina spiker Kannika Thipachot at setter Phomia Soraya.
Nasa koponan din sina Angeli Tabaquero, Aiza Maizo, Pau Soriano at WenÂneth Eulalio na kilala ang bangis sa net.
Napahinga rin ng apat na araw ang Cagayan na makakatulong para mas sariwa silang pumasok sa labanan.