MANILA, Philippines - Isang three-team, nine-player trade ang naplantsa kahapon na kinasangkutan nina Mac Cardona at 6-foot-7 Rabeh Al-Hussaini.
Dinala ng Talk ‘N Text si Al-Hussaini sa Air21 bilang kapalit ni power forward Rob Reyes at ang second round pick ng Express sa 2015 PBA Rookie Draft.
Matapos makuha si Al-Hussaini, ibinigay naman ng Air21 ang dating Ateneo Blue Eagle sa Meralco kasama si forward Nelbert Omolon upang mahugot sina Cardona at 6’6 Noy Baclao.
Si Baclao ay ang 2010 PBA Draft top overall pick kasunod ang No. 2 na si Al-Hussaini, maglalaro para sa kanyang pang-limang koponan sa apat na taon niyang PBA seasons.
Nalagay naman si Cardona sa trading block makaraang makuha ng Bolts si scorer Gary David sa isang naunang trade sa Globalport Batang Pier noong Biyernes sa isang two-team, four-player deal sangkot sina Chris Ross at rookie guard AJ Mandani.
Sa kanyang pagkakalipat sa Express ay muling makakasama ni Cardona ang kanyang dating coach sa La Salle na si Franz Pumaren at mga dating kakamping sina Joseph Yeo, Ren Ren Ritualo, Jr. Carlo Sharma at Simon Atkins.
Naglista si Cardona ng mga averages na 12.12 points at 3.63 rebounds para sa Meralco.
Kagaya ni Al-Hussaini, ipinamigay din ng Express si Baclao kasama si guard Eric Salamat sa Tropang Texters kapalit nina Bambam Gamalinda at Pamboy Raymundo.
Muling makakasama nina Baclao at Salamat ang kanilang dating mentor sa Ateneo na si Norman Black sa kanilang paglalaro sa Talk ‘N Text.