MANILA, Philippines - Kung pupuwede lang, handang ibigay ni Jeron Teng ang napanalunang UAAP Finals MVP sa nakaÂtatandang kapatid na si Jeric Teng.
Si Jeron ang kamador ng La Salle na umukit ng 71-69 overtime panalo sa UST na pinamumuan ni Jeric, sa do-or-die Game Three noong Sabado.
Nasa ikalima at huÂling taon ng paglalaro ang nakaÂtatandang Teng sa collegiate basketball at naÂbigo siya sa pinangarap na makatikim ng titulo sa liga.
Ito ang ikalawang suÂnod na taon na ang 22-anÂyos na si Teng ay nasa Finals pero natalo rin ang Tigers sa Ateneo noong nakaraang taon.
“Ang hirap. I feel his loss. My brother really gave his all out and for me he deserves the MVP,†pagÂpupugay ni Jeron sa kapatid.
Matapos ang laro ay nag-akapan ang magkaÂpatid sa gitna ng court at itinaas ni Jeron ang kamay ni Jeric na ikinatuwa ng lahat ng mga sumaksi sa laban sa MOA Arena.
“I just told him that he has nothing to worry because he is a good player and I just wish him luck,†dagdag ng nakababatang Teng sa sinabi sa kapatid.
Tanggap naman ng paÂnganay na anak ng dating PBA player na si Alvin Teng ang kapalaran sa UAAP.
“I really wanted to graÂduate with a crown. Pero siguro hindi talaga para sa akin,†wika ni Jeric, ang Rookie of the Year noong Season 72 at nagkaroon ng 13.2 points, 4.4 rebounds at 1.7 assists career averages sa UAAP.
Sa kanyang official twitÂter ay pinasalamatan ni Teng ang Thomasians sa suporta na ibinigay sa kanya at ang pagpupugay sa magandang inilaro ni Jeron sa Finals.
“Sorry we failed to get the championship. Thank you to all thomasians! It’s been a wonderful 5 years. I will miss all of you Congrats to DLSU! They played realÂly well. And congrats @jeronteng for getting the finals mvp. You deserve it!,†pahayag ni Teng.