Split decision uli kay Bradley vs Marquez
MANILA, Philippines - Ito na ang ikalawang pagkakataon na nanalo si Timothy Bradley, Jr. sa pamamagitan ng isang kontrobersyal na split decision laban sa isang boxing superstar.
Tinalo ni Bradley si Mexican challenger Juan Manuel Marquez para patuloy na isuot ang kanyang World Boxing Organization WBO welterweight crown kahapon sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada.
Nauna nang umiskor si Bradley ng split decision victory laban kay Manny Pacquiao para agawin sa Filipino world eight-division champion ang nasabing titulo noong Hulyo 9, 2012.
“That was my ticket to the boxing Hall of Fame,†wika ni Bradley (31-0-0, 12 KOs) sa kanyang panalo kay Marquez (55-7-1, 40 KOs). “I beat a great champion.â€
Tumanggap ang 30-anyos na si Bradley ng 116-112 at 115-113 points mula sa dalawang boxing judge, habang 115-113 ang nakuha ng 40-anyos na si Marquez sa isang judge.
Kumpara sa kanyang madugong laban kay Serbian challenger Ruslan Provodnikov noong Marso kung saan isang beses siyang nabilangan ng mandatory eight count at dalawang beses muntik bumagsak, iniwasan naman ni Bradley na makipagsabayan kay Marquez.
Ginamit niya ang kanyang left jab para palayuin si Marquez, pinatumba si Pacquiao sa huling segundo ng sixth round sa kanilang ikaapat na paghaharap noÂong Disyembre 8, 2012, bago sumabay sa final round.
“He couldn’t touch me. I gave him a boxing lesson,†sabi ni Bradley sa Mexican world four-division titlist.
At kagaya nang nangyari kay Pacquiao, hindi rin makapaniwala si Marquez na natalo siya kay Bradley.
- Latest