Smart-Maynilad, Army spikers mag-aagawan sa huling finals slot
Laro Ngayon
(The Arena, San Juan City)
4 p.m. Army vs Smart-Maynilad
MANILA, Philippines - Paglalabanan ngayon ng Army at Smart-Maynilad ang ikalawa at huling puwesto sa championship round sa pagtatapos ng Shakey’s V-League Season 10 Open Conference Final Four sa The Arena sa San Juan City.
Ang laro ay itinakda sa ganap na alas-4 ng hapon at asahan na magiging dikdikan ang bawat puntos na paglalabanan dahil ang matatalo ay mamamaalam na sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
Nasa 2011 champion Lady Troopers ang momentum matapos kunin ang 25-21, 18-25, 12-25, 25-23, 15-10 panalo sa Game Two noong BiyerÂnes sa larong nakitaan ng pagbangon ng koponan ni coach Rico de Guzman mula sa 16-23 iskor sa fourth set.
“Nasa amin ang moÂmenÂtum. Pero hindi ito gaÂrantiya na kami na ang mananalo dahil kailangan ilabas ng mga players ang kanilang determinasyon at puso sa ganitong do-or-die game,†wika ni De Guzman.
Bagamat natalo, mataas din ang kumpiyansa ni Net Spikers mentor Roger Gorayeb na maitatakas ang panalo para huwag masayang ang tagumpay na nakuha sa Game One sa best-of-three series.
Nasa Army ang karanasan dahil ang kanilang manlalaro na sina Mary Jean Balse, Michelle Carolino, Nerissa Bautista at Rachel Anne Daquis ay beterano na ng liga. Nasa koponan din ang masipag na si Jovelyn Gonzaga habang solido rin ang kanilang bench tulad ni Dahlia Cruz na siyang nagbigay-buhay sa opensa sa huling dalawang sets na kung saan siya ginamit.
Naghihintay na sa best-of-three Finals sa ligang may ayuda ng Accel at Mikasa ang Cagayan Province matapos ang 2-0 sweep sa Philippine Air Force.
- Latest