MANILA, Philippines - Walang trash-talking o pormahang nangyari sa huling press conference para sa laban nina World Boxing Organization WBO welterweight champion Timothy Bradley, Jr. at Mexican challenger Juan Manuel Marquez.
Ang respeto at paggalang sa isa’t isa ang namutawi sa mga bibig nina Bradley at Marquez para sa kanilang championship fight ngayon sa Thomas & Mack Center.
“Everyone knows me. I don’t like to talk outside the ring,†wika ng 40-anyos na si Marquez (55-6-1, 40 KOs), nanalo ng apat na world titles sa apat na magkakaibang weight divisions sa kanyang 20-year career. “I will talk with my fists on Saturday night.â€
“Credit to Marquez and his team for stepping up and wanting to fight me and being willing to fight me,†sabi naman ng 30-anyos na si Bradley (30-0, 12 KOs).
Sina Bradley at Marquez ang huling dalawang boksiÂngerong tumalo kay Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao noong nakaraang taon.
Hangad ni Marquez na maging kauna-unahang Mexican boxer na nanalo ng limang korona sa magkakaibang weight classes na hindi nagawa nina Erik Morales at Marco Antonio Barrera.
Samantala, isasaere ng GMA-7 ang inaabangang banggaan nina Timothy “Desert Storm†Bradley at Juan Manuel “Dinamita†Marquez na tinaguriang world welterweight championship: Bradley vs Marquez ngayong alas-11 ng umaga.
Ipapalabas ito via satellite sa Kapuso Network.
Bago ito ay ipalalabas muna ang HBO 24/7 Bradley Marquez Documentary sa alas-9:30 ng umaga sa nasabi ring istasyon.