Archers tinuhog ang UAAP crown: Bumangon mula sa 0-1 deficit vs Tigers sa finals
MANILA, Philippines - Mas lumabas ang determinasyon ng La Salle kaysa sa UST nang kunin ang 71-69 overtime panalo at hiranging kampeon ng 76th UAAP men’s basketball kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ipinagpag ni Jeron Teng ang pulikat sa binti nang gumawa ng 25 puntos, 8 rebounds at 6 assists pero malaking papel din ang ginawa nina Almond Vosotros at LA Revilla para manaig ang Archers sa rubbermatch na sinaksihan ng 23,396 panatiko ng liga.
Kasama sa sumaksi sa laro ay ang 1999 champion team ng La Salle sa panguÂnguna nina Ren Ren RitÂualo at team captain at Vice Mayor ng San Juan City Francis Zamora upang maulit ang pagbangon ng Archers mula sa 0-1 deficit tangan ng Tigers.
Naisalpak ni Vosotros ang panlamang na birada sa magandang pasa ni Teng, 70-69, bago si Revilla ay kumubra ng krusyal na rebound at split sa 15-foot line para ilayo sa dalawa ang Archers, 71-69, sa huÂling 9.3 segundo.
Bigo naman ang Tigers na maihirit ang laro sa ikalawang overtime nang napilitan si Karim Abdul na ipukol ang wala sa pormang tres.
“I told the players that this game will boil not on one possession but on multiple possessions,†wika ni Archers coach Juno Sauler na nakatikim ng titulo sa seniors division sa unang taon ng pag-upo sa nasabing koÂpoÂnan.
Si Vosotros ay may 16 puntos si Jason Perkins ay naghatid ng 13 puntos at 18 rebounds habang si Arnold Van Opstal ay may 11 puntos at 8 rebounds at ang Archers ay nanalo kahit napag-iwanan ng 15 puntos sa kaagahan ng ikatlong yugto.
May 26 puntos at 8 board si Abdul habang si Jeric Teng ay gumawa ng 24 ngunit bumigay ang Tigers sa endgame para masayang ang hinawakang 69-67 sa huÂling 34 segundo mula sa turnaround jumper ni Teng.
Si Aljon Mariano ang siyang nagpabagsak sa laban ng Tigers matapos itapon ang nakuhang defensive rebound sa sablay na huling free throw galing kay Jeron.
Angat pa sana ang Tigers ng isang puntos, 69-68, sa pangyayari pero napaÂlakas ang pasa ni Mariano kay Kevin Ferrer dahilan upang bumalik sa Archers ang bola at nagresulta sa key jumper ni Vosotros.
Sa regulation ay nagkaroon na rin ng tsansa na manalo pa ang tropa ni coach Alfredo Jarencio dahil nasa kanila ang bola sa huÂling 6.1 segundo at ang iskor ay tabla sa 65-all.
Pero si Mariano na siÂyang nagpatabla sa regulaÂtion sa dalawang free throws, ang siya ring nagsayang sa opensa nang ipukol ang malayong jumper na kumabyos para magkaroon ng extention.
- Latest