Laro Ngayon
(The Arena,
San Juan City)
4 p.m. Jose Rizal U
vs Lyceum (Srs.)
6 p.m. San Sebastian
vs Letran (Srs.)
MANILA, Philippines - Palalakasin pa ng mainit na Letran ang paghahabol para sa number one seeÂding sa pagpapatuloy ng 89th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Hawak ang 13-3 baraÂha at kasalo sa unang puÂwesto ang three-time defending champion San Beda, kalaban ngayon ng Knights ang San Sebastian upang lumapit sa isang panalo para makuha ang top spot matapos ang elimination round.
Parehong may twice-to-beat advantage na ang Knights at Red Lions ngunit mahalaga pa rin ang makuha ang unang puwesto para siyang makatapat ng papang-apat na koÂponan sa Final Four.
Galing ang tropa ni coach Caloy Garcia sa 74-61 panalo sa Perpetual Help noong Huwebes para sa ikatlong dikit na panalo.
Nangibabaw din ang Letran sa Stags sa unang pagkikita, 74-69, at kailaÂngan nilang manalo para mapanatili ang winning streak bago sukatin uli ang Red Lions sa Oktubre 21.
Asahan naman na konÂdisyon ang mga kamador ni coach Topex Robinson dahil ang pagkuha sa ika-10 panalo ang magtitiyak ng playoff para sa ikaapat at huling puwesto sa Final Four.
Ang Emilio Aguinaldo College lamang ang kopoÂnang kaya pang tumapos hanggang 10 panalo.
Ang larong ito ay siyang tampok na laro na magsisimula matapos ang banggaan ng Heavy Bombers at talsik ng Lyceum sa ganap na alas-4 ng hapon.
May 6-9 baraha ang tropa ni coach Vergel MeÂneses at kasalo sa ikaanim at pitong puwesto ang Arellano.