David ibinigay ng Globalport sa Meralco Petron nagparamdam agad

Laro Bukas

(Smart Araneta Coliseum)

4:45 p.m. Petron vs San Mig Coffee (Game 2)

 

MANILA, Philippines - Inangkin ng Petron Blaze ang Game One mula sa kanilang 100-84 panalo kontra sa San Mig Coffee sa championship series ng 2013 PBA Governors’ Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nagbida sina import Elijah Millsap, Marcio Lassiter at Chris Lutz sa final canto para sa 1-0 bentahe ng Boosters sa kanilang best-of-seven titular showdown ng Mixers.

Ito ang ikalawang panalo ng Petron, nauna nang nagposte ng isang 11-game winning streak matapos matalo sa Meralco sa kanilang unang laro, laban sa San Mig Coffee ngayong kom­perensya matapos ang 89-83 tagumpay sa single round eliminations.

Humugot si Millsap ng 14 sa kanyang 35 points sa fourth period para banderahan ang Boosters, habang iniskor naman ni Lutz ang lahat ng kanyang 11 mar­kers sa nasabing yugto.

“We’re very happy about this win. I just thought that we played a big fourth quarter,” sabi ni coach Gee Abanilla sa Petron, nakakuha ng 8 points kay Lassiter sa final canto.

Ipinoste ng Boosters ang isang 13-point lead, 19-6, mula sa split ni Alex Cabagnot sa 5:15 ng first period hanggang makatabla ang Mixers sa 36-36 buhat sa basket ni Marc Pingris sa 3:17 ng second quarter.

Samantala, nakamit naman ng Barangay Ginebra ang first overall pick para sa darating na 2013 PBA Rookie Draft na nakatakda sa Nobyembre 3 sa Robinsons Place Ermita.

Ito ay matapos manalo ang Air21 sa isinagawang draft lottery sa halftime.

Nakuha ng Gin Kings ang draft rights ng Express para sa No. 1 pick mula sa isang multi-team trade na nagdala kina John Wilson at Nino ‘KG’ Canaleta sa Air21 bago ang 37th season.

Ang San Mig Coffee ang nagmamay-ari ng se­cond pick overall.

Kaugnay nito, bago pa man magsi­mula ang 37th season ng Philippine Basketball Association ay inihayag na ni Gary David ang kagustuhan niyang mailipat sa ibang koponan.

Kahapon ay natupad na ang kanyang kahilingan.

Dinala ng Globalport ang high-scoring guard ng Dinalupihan, Bataan sa Meralco para sa isang four-player, two-team trade na inaprubahan ni PBA Commissioner Chito Salud.

Bukod kay David, isinama din ng Batang Pier si rookie guard AJ Mandani papunta sa Bolts kasabay ng pagtanggap kina Chris Ross at Chris Timberlake at dalawang future second-round draft picks. (RC)

Petron 100 - Millsap 35, Santos 16, Fajardo 12, Lassiter 12, Lutz 11, Cabagnot 10, Miranda 2, Tubid 2, Kramer 0.

San Mig Coffee 84 - Blakely 23, Pingris 16, Simon 13, Devance 10, Yap 8, Barroca 6, De Ocampo 4, Mallari 2, Reavis 2, Acuna 0.

Quarterscores: 23-18, 41-36, 59-61, 100-84.

Show comments