MANILA, Philippines - Tinapos ng Letran ang labanan para sa twice-to-beat advantage sa Final Four sa 89th NCAA men’s basketball nang kunin ang 74-61 panalo sa Perpetual Help kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Isang 20-0 run ang ginamit ng Letran matapos hawakan ng Altas ang 20-14 kalamangan para pantayan sa unang puwesto ang pahingang San Beda sa 13-3 karta.
Bumaba ang Altas sa 11-6 baraha at namaalam na sa hangaring maagaw ang twice-to-beat incentive dahil ang best record na kanilang makukuha ay 12 panalo lamang.
Ang putback ni Racal na sinabayan din ng slamdunk ni Raymund Almazan ang nagpakinang sa 15-0 bomba sa pagbubukas ng ikalawang yugto upang kunin ang 34-20 bentahe.
Gumawa pa ng tres at jumper si Racal para ilayo ang Letran sa 42-28 habang ang pinakamalaking kalamangan sa laro ay 21 puntos, 51-30, sa kaagahan ng ikatlong yugto na ‘di na binitiwan pa.