MANILA, Philippines - Mula sa kanilang paggiya sa kani-kanilang mga kopoÂnan sa championship series ng 2013 PBA Governors’ Cup, hinirang sina Alex Cabagnot ng Petron Blaze at James Yap ng San Mig Coffee bilang mga Accel-PBA Press Corps Co-Players of the Week.
Nagtala si Cabagnot ng four-game averages na 15.5 points, 5.25 rebounds at 4.25 assists, tampok dito ang 23 markers at 8 boards sa 110-89 panalo ng Boosters kontra sa nagdedepensang Rain or Shine Elasto PainÂters noong Lunes.
“Alex has taken it upon himself to be the leader of this team and I’m happy for him,†sabi ni Petron coach Gee AbaÂnilla sa kanyang Fil-Am point guard.
Nakipagtambal si Cabagnot kay import Elijah Millsap sa arangkada ng Boosters sa third period kung saan sila nagtala ng isang 23-point lead kontra sa Elasto Painters.
Naglista naman ang two-time PBA Most Valuable PlaÂyer awardee na si Yap ng three-game averages na 15.0 points at 5.3 rebounds.
Sa 79-73 pananaig ng San Mig Coffee laban sa MeÂralco noong Linggo ay umiskor si Yap ng 19 points.
“I think everyone rates James’ game based on wheÂther he is scoring, but he is bringing a lot more to the table than just that,†wika ni Mixers’ mentor Tim Cone kay Yap.
Kapwa tinapos ng Petron at San Mig Coffee sa 3-1 ang kani-kanilang mga best-of-five semifinals series ng Rain or Shine at Meralco.
Nakatakda ang Game One ng best-of-seven championship series ng Boosters ni Abanilla at ng Mixers ni Cone sa Biyernes sa Mall of Asia Arena.