MANILA, Philippines - Hindi nasayang ang mga itinuro ni Mapua coach ForÂtunato ‘Atoy’ Co sa kanyang sentro na si Jesse SaiÂtanan.
Lumabas ang pinakaÂmaÂgandang laro ng 6-foot-5 sophomore player laban sa nagdedepensang San Beda nang pagbidahan ang 81-76 panalo ng Mapua noong Lunes sa 89th NCAA men’s basketball tournament.
May 18 puntos si Saitanan at 10 sunod ang kanyang ibinagsak sa huÂling apat na minuto upang maÂkumÂpleto ng Cardinals ang pagbangon mula sa 53-64 agwat sa pagbubukas ng huÂling yugto.
Ang pagkinang ni SaiÂtanan ay nangyari sa araw na isinelebra niya ang kanyang ika-21 kaarawan.
“Kung masaya si coach, mas masaya ako kasi naÂpakagandang birthday gift ito sa akin. Ganito ang iniÂlaro ko dahil nai-apply ko ang mga inituro sa akin ni coach,†wika ni Saitanan.
Ito lamang ang ikalawang panalo ng Cardinals sa season at tinapos nila ang 13-sunod na kamalasan na muntik tumabla sa 14-straight losses ng Perpetual Help noong 2010.
Hinirang si Saitanan bilang ACCEL 3XVI NCAA Press Corps Best Player of the Week na handog din ng Gatorade.
Ito ang magbibigay kay Saitanan ng inspirasyon para sa Mapua.