MANILA, Philippines - Dalawang taon matapos maglaro para sa Barangay Ginebra sa PBA, nagbalik si import Donald Sloan bilang miyembro ng Indiana Pacers sa NBA.
“It’s good to be back here,†sambit ni Sloan kahapon sa ensayo ng Pacers sa Mall of Asia Arena.
Nakita si Sloan sa kampo ng Gin Kings noong 2011 Governors’ Cup na pinagharian ng Petron Blaze Boosters.
Si Sloan ay kinuha ng Indiana sa off-season at inaasahang makakapalitan ni point guard George Hill sa kanilang kampanya sa darating na NBA season.
“Never say die, that’s what I learned about playing with Ginebra,†wika ni Sloan na binanggit ang mga pangalan nina Mark Caguioa, Jayjay Helterbrand, Eric Menk, Willy Wilson, Mike Cortez at Ronald Tubid sa mga nakasama niya sa Gin Kings.
Napanood ang 6-foot-2 na si si Sloan sa pitong laro paÂra sa Ginebra matapos palitan si Curtis Stinson.
Inaasahan ni Sloan na muli niyang makikita ang kanyang mga dating kakampi sa Ginebra bukas sa kanilang pre-season game ng Houston Rockets.
Bago lumagda sa Indiana ay naglaro muna si Sloan para sa Atlanta, New Orleans at Cleveland noong nakaraang season.