MANILA, Philippines - Kumpara sa maluwag na pagtanggap ni NBA Hall of Famer Kareem Abdul JabÂbar nang bumisita noong 2009, naging mailap naman sa media si Larry Bird.
Nakasuot ng dark blue na t-shirt, checkered na gray shorts at rubber shoes, waÂlang ginawa si Bird, isang two-time NBA Finals MVP, three-time MVP, 12-time All-Star, nine-time All-NBA First Team at three-time Three-Point shooting king, kunÂdi ang magpalaÂkad-laÂkad sa loÂob ng Mall of Asia Arena sa Pasay City kahapon.
Hindi nagpaunlak ng anuÂmang panayam ang daÂting superstar ng Boston CelÂtics na ngayon ay team preÂsident ng Indiana Pacers.
Ilang ngiti at pagtango laÂÂÂmang ang isinukli ni Bird sa media.
Sa kabilang banda, naÂging abala naman si Kevin McHale, kakampi ni Bird sa BosÂton kasama si center RoÂbert Parish para sa orihinal na ‘Big Three’ ng Celtics, sa pagsasanay sa Houston Rockets bilang head coach.
“I ran with him yesterday, we talked for a while,†sabi ni McHale sa kanilang pag-uusap ni Bird noong Lunes.