MANILA, Philippines - Hindi magiging probleÂma ang gastusin sa pagpaÂpadala ng pambansang koÂponan para sa Southeast Asian Games sa Myanmar.
Bukod sa P30 milyon na inilaan ng PSC para sa taong ito, puwede ring kuÂÂmuÂha ang ahensya sa peÂÂrang nasa bangko na naÂsa mahigit P300 milyon.
Nilinaw ni PSC chairman Ricardo Garcia na ang savings na ito ay mga ‘obÂligated budgets’ na hindi naiÂbigay sa mga NSAs daÂhil sa mga unliquidated exÂpenses.
Kasama sa puwedeng gaÂmitan ng pera ng PSC ay ang gastusin sa pagpaÂpadala ng koponan sa maÂlalaking torneo katulad ng SEA Games sa Disyembre bukod pa sa renovations sa mga pasilidad.
Kasabay nito ay inihaÂyag ni Garcia ang pagkakaÂroon ng PSC ng P214 milÂyong pondo galing sa GeÂneral Appropriations Act (GAA).
Ang halagang ito ay mas mataas kumpara sa P207 milyon na natanggap ng ahensya sa taong ito.
Ang pera sa GAA ay giÂnagamit sa pang araw-araw na operasyon ng PSC.
Bukod sa GAA, ang PSC ay mayroon ding pondo na nakalagak bilang National Sports Development Fund (NSDF) na galing sa kontribusyon ng PAGCOR.