MANILA, Philippines - Nakatakdang dumating sa bansa ngayong araw ang 2012-13 NBA Eastern Conference Finalists IndiaÂna Pacers at ang Houston Rockets para sa NBA GloÂbal Games 2013.
Ang Pacers, babandeÂrahan ni main man Paul George, ay sasamahan ni team president Larry Bird.
Kasunod naman ang RoÂckets team na magpaÂparada kina Dwight HoÂward alongside sensations Jeremy Lin at James Harden.
Ito ang magiging paÂngatÂlong pagbisita ni HarÂden sa bansa.
Maliban kay Bird, magiÂging bisita rin si Rockets head coach Kevin McHale na kanyang naging kakamÂpi sa Boston Celtics noong 1990’s.
Ito ang ikalawang pagÂkaÂkataon na may mga daÂdalaw na NBA Hall of FaÂmers sa bansa.
Sina Bird at McHale ay ang orihinal na ‘Big Three’ ng Celtics noong 1981, 1984 at 1986 champion team kasama si center RoÂbert Parish.
Noong 2010 ay nagtuÂngo rin sa bansa si Hall of Famer Kareem Abdul JabÂbar para sa NBA Asia Challenge.
Maghaharap ang PaÂcers at ang Rockets para sa isang pre-season game sa Oktubre 10 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Bago ito, magdaraos muÂna ang Pacers at ang RoÂckets ng pagbiisita sa ilang piling basketball courts.
Magsasagawa rin sila ng NBA Cares activities para sa mga bata sa Mall of Asia Arena at sa iilang basÂketball courts.
Magdaraos ang NBA ng isang clinic para sa mga local basketball coaches sa Mall of Asia Arena bukas kaÂsama ang Samahang BasÂketbol ng Pilipinas.
Ang mga miyembro ng coaching staff ng Rockets at Pacers ang mangaÂngaÂsiwa sa libreng coaÂÂching deÂvelopment progÂram na suÂportado ng NBA.