^

PSN Palaro

Pacers at Rockets darating ngayon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakatakdang dumating sa bansa ngayong araw ang 2012-13 NBA Eastern Conference Finalists India­na Pacers at ang Houston Rockets para sa NBA Glo­bal Games 2013.

Ang Pacers, babande­rahan ni main man Paul George, ay sasamahan ni team president Larry Bird.

Kasunod naman ang Ro­ckets team na magpa­parada kina Dwight Ho­ward alongside sensations Jeremy Lin at James Harden.

Ito ang magiging pa­ngat­long pagbisita ni Har­den sa bansa.

Maliban kay Bird, magi­ging bisita rin si Rockets head coach Kevin McHale na kanyang naging kakam­pi sa Boston Celtics noong 1990’s.

Ito ang ikalawang pag­ka­kataon na may mga da­dalaw na NBA Hall of Fa­mers sa bansa.

Sina Bird at McHale ay ang orihinal na ‘Big Three’ ng Celtics noong 1981, 1984 at 1986 champion team kasama si center Ro­bert Parish.

Noong 2010 ay nagtu­ngo rin sa bansa si Hall of Famer Kareem Abdul Jab­bar para sa NBA Asia Challenge.

Maghaharap ang Pa­cers at ang Rockets para sa isang pre-season game sa Oktubre 10 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Bago ito, magdaraos mu­na ang Pacers at ang Ro­ckets ng pagbiisita sa ilang piling basketball courts.

Magsasagawa rin sila ng NBA Cares activities para sa mga bata sa Mall of Asia Arena at sa iilang bas­ketball courts.

Magdaraos ang NBA ng isang clinic para sa mga local basketball coaches sa Mall of Asia Arena bukas ka­sama ang Samahang Bas­ketbol ng Pilipinas.

Ang mga miyembro ng coaching staff ng Rockets at Pacers ang manga­nga­siwa sa libreng coa­­ching de­velopment prog­ram na su­portado ng NBA.

vuukle comment

ANG PACERS

ASIA CHALLENGE

BIG THREE

BOSTON CELTICS

DWIGHT HO

EASTERN CONFERENCE FINALISTS INDIA

HALL OF FA

MALL OF ASIA ARENA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with