Cotto pinatulog si Rodriguez sa third round
ORLANDO, Fla. -- Hindi pa tapos ang boxing career ni world three-division champion Miguel Cotto ng Puerto Rico.
Nagmula sa dalawang sunod na kabiguan noong nakarang taon laban kina Floyd Mayweather Jr. at Austin Trout, umiskor ng maÂlaking panalo si Cotto paÂra sa kanyang pagbabalik sa aksyon.
Pinatumba ni Cotto si DelÂvin Rodriguez ng DomiÂnican Republic sa 2:42 ng third round sa kanilang non-title, junior middleweight fight sa Amway Center, ang arena ng NBA team na Orlando Magic.
Ang 32-anyos na si Cotto, sinanay ni trainer FredÂdie Roach, ay pinanoÂod ng kabuuang 11,912, boÂxing fans, tampok dito ang isang malaking Puerto Rican contingent .
Sa opening round pa laÂmang ay pinuntirya na ni Cotto (38-4, 31 KOs) ang bodega ng 33-anyos na si Rodriguez (28-7-3, 16 KOs).
At pagdating sa third round ay isang left hook ang nagpabagsak kay RodÂriguez kasunod ang mga raÂpido ng Puerto Rican.
“I felt the power go right through my arm. I hit him flush,†sabi ni Cotto sa naturang pagpapatumba niya kay Rodriguez.
- Latest