MANILA, Philippines - Itinakda ang ikaapat na edisyon ng Le Tour de Filipinas sa Abril 21-24 sa susunod na taon.
Inaprubahan ng International Cycling Union (UCI), ang world governing body ng cycling, ang petsa na isiÂÂnumite ng race organizer na Dynamic Outsource SoÂluÂtions, Inc. (DOS-1) sa isang pulong sa Florence, Italy noÂÂong Setyembre.
Sinabi ni DOS-1 president Gary Cayton na ikinukunÂsidera nila ang isang ‘southern swing’ para sa 2014 Le Tour de Filipinas.
Tinawag na ‘Northern Alps, ang nasabing ruta ay isang 132.7-km rollercoaster ride mula sa Bayombong sa Nueva Viscaya haggang Cayapa Road sa Cordilleras.
Ito pa rin ang prayoridad na dadaanan ng mga siklista paÂra sa susunod na Le Tour.
Pinagharian ni Baler Ravina ang 2012 edition na baÂsagin ang dominasyon ng mga veteran foreign riders sa naÂsabing four-stage race na sinusuportahan ni cycling ‘godfather’ Bert Lina ng Air21.
Si Irish David McCann, kumarera sa London 2012 Olympics, ang naghari sa unang edisyon noong 2010.
Ang koponan naman ng Iran ang nagkampeon noong 2011 tampok ang paghirang kay Rahim Emami bilang general classification winner.
Matapos ang paghahari ni Ravina noong 2012, tiÂniyak ng Iranians na sila ang magkakampeon noong 2012 sa likod ni Asian No. 1 at Olympic at world chamÂpionÂships veteran Ghader Mizbani.