Patuloy ang pagpapatala para sa PBaRS event

MANILA, Philippines - Patuloy ang pagpaparehistro para sa eighth leg ng MVP Sports Foundation-Philippine Badminton Ranking System (PBaRS) tournament .

Ang unang entry fee ay P500, habang P250 pa­ra sa susunod na pagpa­palista.

Ang deadline ay naka­takda sa Oktubre 14 sa ganap na alas-5 ng hapon.

Ang listahan ay ipoposte sa Oktubre 16 kasunod ang draw sa Oktubre 18 sa PBaRS office sa San Juan City, ayon kay PBaRS tournament director Nelson Asuncion.

Para sa on-line registration, ang pagbayad ay ma­aaring gawin sa pamamagitan ng China Bank (account No. 120-095941-3 sa ilalim ng Golden Shuttle Foundation for Philippine Badminton, Inc.

Para sa detalye, maaa­ring kontakin ang PBaRS office sa 20 E. Maclang cor. P. Guevarra Sts., San Juan City sa 7252568 at 7828202.

Show comments