MANILA, Philippines - Kinuha nina Rene Desuyo at Janette Agura ang mga titulong hindi idinepensa nina Irineo Raquin at Christabel Martes nang paÂngunahan ang mga locals sa idinaos na 2nd Run United Philippine Marathon kahapon sa SM Mall of Asia sa Pasay City.
Tinabunan ng 29-anyos tubong Bago City, Negros Occidental na si Desuyo ang winning time ni Raquin noong nakaraang taÂon na 2:42:22 sa kanyang 2:33:49.56 para iwaÂnan sina Elkin John Quinto (2:44:25.36) at Mario MagÂlinao (2:48:53.85).
Sa tindi ng takbo ni Desuyo, siya ang lumabas bilang ikalawang pinakamaÂtuling runner sa kalalakihan kasunod ng Kenyan na si Jackson Chirchir na nagdoÂmina sa foreign division sa 2:27:42.37 oras.
Nangailangan ng malaÂkas na pagtatapos ang 35-anyos na si Agura para maisantabi ang hamon ni Jocelyn Elijeran sa local female category sa karerang inorganisa ng Unilab Active Health sa pangunguna ni Alex Panlilio.
May 3:35:35.90 oras si Agura laban sa 3:36:11.24 ni Elijeran, habang puÂmangatlo si Gella Mayang sa 3:53:46.94 oras.
Winalis ng KenÂya ang tiÂtulo sa foreign divisions nang manalo si Susan Jemutai sa 3:24:22.44 oras.
Sina Douglas Mwitti (2:34:21.35) at Philip Rono (2Z:48:30.98) ang pumaÂngalawa at pumangatlo sa kalalakihan.