Bagong sparmate ni Pacquiao darating sa GenSan

MANILA, Philippines - Isang bagong sparmate ni Manny Pacquiao ang ina­asahang darating sa Ge­neral Santos City para pa­litan si Filipino middleweight prospect Marlon Al­ta.

Si light welterweight Dan Nazareno (17-10-0, 13 KOs) ang papalit kay Alta (12-3-0, 9 KOs) para ma­ka-sparring ni Pacquiao (54-5-2, 38 KO’s) sa Pacman Wild Card Gym sa Ge­neral Santos City.

Nangayaw ang 5-foot-10 na si Alta (12-3-0, 9 KOs), isang dating Philippine middleweight titlist, ma­karaang mapabagsak ni Pacquiao sa second round sa isa nilang sparring session.

Huling lumaban ang 23-anyos na si Alta noong Ok­tubre ng 2012 kung sa­an siya napatulog sa sixth round.

Maliban kay Alta, ka­sa­bayan din ng Filipino world eight-division champion si welterweight Frederick Lawson (21-0-0, 19 KOs) ng Ghana na muntik na ring mapatumba ni Pacquiao.

Si Lawson ang kasalukuyang International Bo­xing Federation (IBF) international welterweight king.

Inaasahan ding dara­ting sa GenSan si dating strength and conditioning coach Justin Fortune na ipi­nalit kay Alex Ariza.

Si Ariza ay hinugot na­man ni Mexican chief trai­ner Robert Garcia para ma­katulong kay Brandon ‘Bam Bam’ Rios (31-1-1, 23 KO’s).

Maglalaban sina Pacquiao at Rios sa Nobyembre 24 para sa World Bo­xing Organization (WBO) interim welterweight crown sa The Venetian sa Macau, China.

Ngayong linggo ay posibleng dumating si chief trainer Freddie Roach ma­tapos igiya si Miguel Cotto sa isang third-round KO win kay Delvin Rodriguez sa Orlando, Florida.

 

Show comments