MANILA, Philippines - Sampung beterano na nanalo sa Indonesia SEA Games ang babalikat sa koponang ilalaban sa Asian Women’s Softball Championship sa Kaohsiung, Taiwan.
Pangungunahan ang koponang lahok ng Amateur Softball Association of the Philippines (ASAPhil) at hahawakan ni coach Ana Santiago ang mga pitchers na sina Joy Lasquite at Julie Marie Muyco bukod sa mga hitters na sina Queeny Sabobo, Sarah Jane Agravante at Marlyn Francisco.
Ang torneo ay itinakda mula Nobyembre 24 hanggang 30 at ang koponan ay nagsimulang magsanay noong nakaraang buwan matapos ibalik ng Philippine Sports Commission (PSC) ang allowances ng mga manlalaro.
Kukumpletuhin ang koponan ng walong iba pang baguhang players na beterano naman ng World Softball Series sa Little League tulad ng pitcher na si Rizza Bernardino.
“Bata itong team na ito pero sapat naman ang tatlong buwan para sila ay makapagsanay. Marami tayong first-timers pero may experience sila sa Little League World Series kaya hindi na rin bago kung maglaro sa labas ng bansa ang pag-uusapan,†pahayag ni Veloso.
Makasaysayan ang laÂrong ito dahil ito na ang huÂling pagkakataon na gagamitin ang Asian Championship bilang qualifying sa World Championship na sa susunod na taon ay gagawin sa Netherlands.
Sa pagnanais ng International Softball Federation(ISF) na lumawig ang partisipasyon sa World Championship, nagdesisyon sila na sa susunod na edisyon matapos ang 2014 ay pasasalihin na lamang nila ang mga bansang gustong maglaro na ibabase sa kanilang world rankings.
Hanap ng ilalahok na koponan ang mahigitan ang pang-apat na puwesÂtong pagtatapos na kinumbra sa 2011 edisyon. (AT)