^

PSN Palaro

Beterano ng Indonesia SEAG, ilalaban ng ASAPhil sa Taiwan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sampung beterano na nanalo sa Indonesia SEA Games ang babalikat sa koponang ilalaban sa Asian Women’s Softball Championship sa Kaohsiung, Taiwan.

Pangungunahan ang koponang lahok ng Amateur Softball Association of the Philippines (ASAPhil) at hahawakan ni coach Ana Santiago  ang mga pitchers na sina Joy Lasquite at Julie Marie Muyco bukod sa mga hitters na sina Queeny Sabobo, Sarah Jane Agravante at Marlyn Francisco.

Ang torneo ay itinakda mula Nobyembre 24 hanggang 30 at ang koponan ay nagsimulang magsanay noong nakaraang buwan matapos ibalik ng Philippine Sports Commission (PSC) ang allowances ng mga manlalaro.

Kukumpletuhin ang koponan ng walong iba pang baguhang players na beterano naman ng World Softball Series sa Little League tulad ng pitcher na si Rizza Bernardino.

“Bata itong team na ito pero sapat naman ang tatlong buwan para sila ay makapagsanay. Marami tayong first-timers pero may experience sila sa Little League World Series kaya hindi na rin bago kung maglaro sa labas ng bansa ang pag-uusapan,” pahayag ni  Veloso.

Makasaysayan ang la­rong ito dahil ito na ang hu­ling pagkakataon na gagamitin ang Asian Championship bilang qualifying sa World Championship na sa susunod na taon ay gagawin sa Netherlands.

Sa pagnanais ng International Softball Federation(ISF) na lumawig ang partisipasyon sa World Championship, nagdesisyon sila na sa susunod na edisyon matapos ang 2014 ay pasasalihin na lamang nila ang mga bansang gustong maglaro na ibabase sa kanilang world rankings.

Hanap ng ilalahok na koponan ang mahigitan ang pang-apat na puwes­tong pagtatapos na kinumbra sa 2011 edisyon. (AT)

 

AMATEUR SOFTBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ANA SANTIAGO

ASIAN CHAMPIONSHIP

ASIAN WOMEN

INTERNATIONAL SOFTBALL FEDERATION

JOY LASQUITE

JULIE MARIE MUYCO

LITTLE LEAGUE

WORLD CHAMPIONSHIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with