Hindi kasing popular ng basketball ang chess. MaÂrahil ay mas gusto ng mga Pilipino ang pisikal kaysa sa mental na laro.
Sa pagkakaala ko, ang naging rurok ng chess ay sa panahon na masigla pa ang pagsali ni Grandmaster Eugene Torre sa mga internasyunal na kompetisyon. Hindi ba’t noong 90s ay dito pa sa Pilipinas ginawa ang Chess Olympics na nakober ko pa.
Pero, nang lumao’y tila nawala na ang kinang chess. Mayroong ipinapanganak sa Pilipinas na mga magagaling na manlalaro ang chess, isa na nga ay si GM Wesley So, itinuturIng na isa sa pinakabatang naiÂtala bilang GM sa bansa.
Sa murang edad ay mga beterano na ng internasÂyunal na chess player ang tinatalo ni So. Sa kasalukuyan ay No. 1 sa juniors at No. 41st sa daigdig si So. Noon siya ang nangungunang under-16 chess player sa bansa.
Pero kahit na nagningning pa ang mga kredensyal ni So, ang ipinagtataka natin ay ang pagtrato sa kanya ng National Chess Federation of the PhilippiÂnes (NCFP). Masama ang loob ni So dahil na rin sa ipinapalabas ng NCFP na may kontrata si So na pinirmahan na irirepresenta niya ang bansa sa mga chess events.
Nagkataon naman na may final exams ang bata, ano ang pipiliin ni So? Ang pagkakataong katawanin ang bansa, na lagi naman niyang ginagawa, sa isang internasyunal na event? O ang kumuha ng final exam sa kanyang paaralan.
Kahit kalian ay hindi itinanggi ni Wesley So ang PilÂipinas. Noon pa man, kahit na noong panahon na siya ay kinokober ko pa, kinakitaan na ang bata ng siglÂa kapag siya ay naglalaro para sa bansa. ‘Proud to be Pinoy’, ika nga.
Pero, kinakailangan din naman niyang intindihin ang kanyang pag-aaral. Sino ba namang matinong mag-aaral (at matalino si So) ang gusto na siya ay buÂmagsak sa klase.
Kung ganito ang mangyayari na tila hindi sinususuportahan ng NCFP ang kanilang mga chess players, marahil ay sila rin ang magsisi sa huli sakali (at huwag naman sana) na ang No. 1 chess player ng Pilipinas ay mag-iba ng nationality.
Pag-isipan ninyo ito NCFP.