Knights sasamahan ang Lions sa semis
Laro Ngayon
(The Arena, San Juan City)
4 p.m. Arellano University vs EAC (Srs.)
6 p.m. St. Benilde
vs Letran (Srs.)
MANILA, Philippines - Palalakasin pa ng Emilio Aguinaldo College ang laban para sa huling puwesto sa Final Four habang ang Letran ay magpapatatag sa ikalawang puwesto sa pagpapatuloy ng 89th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Katipan ng Generals ang Arellano University sa unang laro sa ganap na alas-4 ng hapon at hanap ang ika-siyam na panalo upang iwanan panandalian ang nasa pang-apat na puwesto na San Sebastian na mayroong 8-6 baraha.
Inspirado ang bataan ni coach Gerry Esplana dahil malaki ang posibilidad nilang umabante sa Final Four sa unang pagkakaÂtaon sapul nang sumali sa liga dahil may tatlong laro pa silang nalalabi.
May three-game winning streak ang Generals tampok ang 85-83 come-from-behind panalo sa St. Benilde noong Huwebes.
“Naroroon na ang composure. May tsansa kaÂming pumasok sa semis at nasa amin na kung paano ito mangyayari,†wika ni Esplana.
Sakaling manalo ang Generals, tuluyan namang mamamaalam ang Chiefs na sa ngayon ay mayroong 5-9 baraha.
Ang Knights ay makaÂkabangga ang host BlaÂzers sa tampok na laro dakong alas-6 ng gabi at ang makukuhang ika-12 panalo ang magsisilbing tiket na sa Final Four.
Nauna ng nakapasok ang nagdedepensang kampeon na San Beda sa kanilang 13-2 baraha.
- Latest