Phl dinomina ang Hong Kong Open Memory Championship
MANILA, Philippines - Nasungkit ni Grandmaster of Memory (GMM) Mark Anthony Castaneda ang titulo sa Adult division habang nagwagi naman ang 12-anyos na si Jamyla Lambunao sa Kids para itulak ang AVESCO-Philippine Team sa overall championship ng 1st Hong Kong Open Memory ChamÂpionship na ginanap noong isang linggo sa True Light Girls College sa Kowloon, Hong Kong.
Umiskor ng 5,239 puntos si Castaneda para maungusan ang kababayan at kapwa GMM na si Erwin Balines na may 5,212 puntos at nagkasya sa pangalawang puwesto.
Bukod sa Kids title, nakakuha rin ng isa sa tatlong GMM norm si Jamyla Lambunao na matagumpay na na-memorize ang pagkakaayos ng binalasang playing card sa loob ng dalawang minuto. Sa Hong Kong ay naorasan ang grade 7 student ng St. Scholastica’s Academy Marikina ng isang minuto at 33.3 segundo.
Ang iba pang miyembro ng AVESCO-Philippine team na inorganisa ng Philippine Mind Sports Association ay sina Kian Christopher Aquino, Abbygale Monderin, Robert Bryan Yee, Anne Bernadette Bonita, Axylancy Cowan Tabernilla, Ydda Graceille Mae Habab at Rhojani Joy Nasiad.
Ang koponan ay sinuportahan din ng Dreamhauz Management & Development Corporation.
- Latest