Iran sinibak ng U-16 team, pasok sa semis
MANILA, Philippines - Sa ikatlong sunod na edisyon ng FIBA Asia Under 16 Championship ay nasa semifinals ang koponang lahok ng Pilipinas.
Dinurog ng Nationals ang host Iran, 79-52, sa quarterfinals noong MiyerÂkules sa Azadi Sports Complex sa Tehran, Iran.
Agad na lumayo sa 38-18 ang Pilipinas ngunit ang pinakamagandang nangyari ay naroroon pa ang kanilang pandiin sa huling yugto nang bigyan lamang ng anim na puntos ang host para mapahiya sa harap ng kanilang mga kababayan.
Ito ang unang pagkaÂkataon na ang Iran ay naÂtalo sa FIBA Asia na kung saan sila ang punong-abala.
Ang mga naunang FIÂBA Asia championships na ginawa sa Iran at kanilang napanalunan ay ang 2004 FIBA Asia U20 ChamÂpionship, 2007 FIBA Asia Champions Cupa at 2008 FIBA Asia U18 Championship.
Si Jose Lorenzo MenÂdoÂza ay may 16 puntos para pangunahan ang liÂmang nationals na tumipak ng sampung puntos pataas para umabante sa semis.
“We were really motivaÂted by the defeat happeÂned to Gilas at Manila,†wika ni Mendoza sa paÂnayam ng website ng FIBA Asia.
Makakalaban sa semis ng Pilipinas ang Chinese Taipei na pinagpahinga ang Bahrain sa dikitang 70-67.
Ito ang ikalawang pagkakataon na magtutuos ang Pilipinas at Chinese Taipei at magbabalak ang tropa ni coach Mike Jarin na maipaghiganti ang 90-95 pagkatalo sa preliminary round.
Kung makabawi ang Nationals, matatabunan na nila ang dalawang pang-apat na puwestong pagtatapos na naitala noong 2009 at 2011 edisyon.
Ang China at Japan ang magtutuos para sa isang puwesto sa Finals.
Naitakda ito matapos mangibabaw ang China sa Kazakhstan, 102-75, habang ang Japan ay nagwagi sa Korea, 75-71.
- Latest