Umalingawngaw sa loob ng MP Tower Gym ang mga suntok ni Manny Pacquiao nung Lunes ng hapon.
Nakapasok tayo sa loob ng nasabing gym sa Sampaloc upang panoorin si Pacquiao mag-train para sa papalapit niyang laban kay Brandon Rios sa Macau.
Wala pa si coach Freddie Roach at sa araw na ito ay si Jonathan Peñalosa, ang kapatid nina Gerry at Dodie Boy Peñalosa, ang in-charge sa training ni Pacquiao.
Walong rounds nag-ensayo sa loob ng ring si PacÂquiao at Peñalosa. Hindi naman sila nag-sparring kundi practice lang ng mga kumbinasyon at patama.
Siyam na buwan na ang nakalipas nang huling lumaban si Pacquiao sa ring. Pero parang hindi naman nagbago ang lakas ng mga kamao niya.
Malutong at matunog ang mga patama ni Pacquiao sa mitts na suot ni Peñalosa. At nang hubarin ito ng dating boksingero ay halos nanginginig ang mga kaÂmay niya.
Malayo pa naman siya 100 percent pero alam mo na dun din siya papunta.
Maganda ang mood ni Pacquiao sa training. Tuwing may konting pahinga o break ay makikipag-usap siya o nakikipagbiruan sa mga nakapaligid sa kanya.
Tinanong natin si Peñalosa tungkol sa lakas ng mga suntok ni Pacquiao at sinabi niya na bagamat halos pasimula pa lang ang serious training ay dama na niya agad ang lakas.
“Parang medya-medya pa nga lang,†sabi ni Peñalosa.
“Pero malakas pa rin talaga. Ang maganda lang ngayon ay maaga siya nag-ensayo at pagdating ni Roach hindi na sila magsisimula sa scratch,†sabi pa niya.
Di ako magugulat kung ma-impress si coach Freddie sa kanyang makikita.