^

PSN Palaro

Pac-Pac-Pac!

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Umalingawngaw sa loob ng MP Tower Gym ang mga suntok ni Manny Pacquiao nung Lunes ng hapon.

Nakapasok tayo sa loob ng nasabing gym sa Sampaloc upang panoorin si Pacquiao mag-train para sa papalapit niyang laban kay Brandon Rios sa Macau.

Wala pa si coach Freddie Roach at sa araw na ito ay si Jonathan Peñalosa, ang kapatid nina Gerry at Dodie Boy Peñalosa, ang in-charge sa training ni Pacquiao.

Walong rounds nag-ensayo sa loob ng ring si Pac­quiao at Peñalosa. Hindi naman sila nag-sparring kundi practice lang ng mga kumbinasyon at patama.

Siyam na buwan na ang nakalipas nang huling lumaban si Pacquiao sa ring. Pero parang hindi naman nagbago ang lakas ng mga kamao niya.

Malutong at matunog ang mga patama ni Pacquiao sa mitts na suot ni Peñalosa. At nang hubarin ito ng dating boksingero ay halos nanginginig ang mga ka­may niya.

Malayo pa naman siya 100 percent pero alam mo na dun din siya papunta.

Maganda ang mood ni Pacquiao sa training. Tuwing may konting pahinga o break ay makikipag-usap siya o nakikipagbiruan sa mga nakapaligid sa kanya.

Tinanong natin si Peñalosa tungkol sa lakas ng mga suntok ni Pacquiao at sinabi niya na bagamat halos pasimula pa lang ang serious training ay dama na niya agad ang lakas.

“Parang medya-medya pa nga lang,” sabi ni Peñalosa.

“Pero malakas pa rin talaga. Ang maganda lang ngayon ay maaga siya nag-ensayo at pagdating ni Roach hindi na sila magsisimula sa scratch,” sabi pa niya.

Di ako magugulat kung ma-impress si coach Freddie sa kanyang makikita.

vuukle comment

BRANDON RIOS

DODIE BOY PE

FREDDIE ROACH

JONATHAN PE

PACQUIAO

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with