Laro Ngayon
(Smart Araneta Coliseum)
3:30 p.m. La Salle vs UST (Game One)
MANILA, Philippines - Dalawang koponang nagpursigi sa mga naunang yugto ng tagisan ang mag-uunahan sa paglapit sa mithiing titulo sa 76th UAAP men’s basketball.
Sa ganap na alas-3:30 ng hapon sisimulan ang best-of-three chamÂpionship series sa pagitan ng La Salle at UST na gagawin sa Smart Araneta Coliseum.
Ang Archers ang siyang pinakamainit na koponan mula sa second round at nakapagtala sila ng siyam na sunod na panalo tampok ang 71-68 tagumpay sa FEU sa Final Four para pumasok sa Finals.
Sa kabilang banda, ang Tigers ay gumawa ng kasaysayan sa liga nang hinirang bilang kauna-unahang koponan na pumasok sa championship round bilang number four team sa Final Four.
Dalawang beses nilang kinalos ang number one team na National University para makumpleto ang tinarget na makabalik-finals para magkaroon ng pagkakataon na makatikim uli ng kampeo-nato na huÂling nangyari noon pang 2006.
“It’s an accomplishment (history), but it’s not complete. Nag-warm up pa lang tayo,†wika ni Tigers mentor Alfredo Jarencio.
Di hamak na mas malalaki ang bataan ni coach Juno Sauler pero ang mahalagang championship experience ang ipantatapat ng Tigers.
Alam ito ni Sauler kaya ang itinatanim sa kanyang mga bataan ay ang gawin ang lahat ng pamamaraan upang patuloy na mag-ibayo ang paglalaro, magresulta ito ng pagsungkit ng titulo sa liga.
Kasasabikan ang match-up ng magkapatid na sina Jeron at Jeric Teng lalo pa’t ito ang una at huling pagkakaÂtaon na magtutuos sa finals ang dalawa.
Si Teng ay nasa huling taon ng paglaÂlaro sa liga kaya’t gagawin niya ang lahat ng pamamaraan para tulungan ang Tigers na manalo at maisuot ang championship ring bago lumipat ng ibang liga.
Pero maliban sa magkapatid na Teng, tututukan din ang pagtatapat nina Karim Abdul at Norbert Torres, Aljon Mariano at Jason Perkins, Clark Bautista at LA Revilla at Kevin Ferrer at Almond Vosotros.
Ang papalarin sa larong ito ay magkakaroon ng paglakataon na ibulsa ang titulo sa Sabado sa Game Two sa Big Dome.
Kapag nagkatabla sa serye, ang deciding Game Three ay gagawin sa Oktubre 12 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Samantala, nagpasiklab ang rookie na si Bianca Carlos at ang pinakamahusay na baguhan noong nakaraang taon na si Jana de Vera para tulungan ang Ateneo sa 3-1 panalo sa La Salle sa 76th UAAP women’s badminton kahapon sa Jumpsmash Badminton Center sa Quezon City.
Nagtambal sina Carlos at De Vera sa deciding douÂbles match laban kina Angelic Ramos at Danica Bolos at nanaig ang Lady Eagles pair sa tatlong set, 21-16, 16-21, 21-18.
Ito ang nagbigay ng ikatlong panalo sa Ateneo para makumpleto ang 3-1 tagumpay at lumapit sa isang panalo tuÂngo sa matagumpay na pagdepensa sa hawak na titulo.
Hindi pa natatalo ang Lady Eagles matapos ang walong laro at kailangan na lamang nilang ulitin ang pananaig ngayong ala-1 ng hapon para bitbitin ang titulo.