Pacquiao ‘di lalayasan ang training camp sa GenSan

MANILA, Philippines - Walang balak na iwan ni Manny Pacquiao ang kanyang pagsasanay sa General Santos City kahit sinasabing marami ang luma­lapit na barangay officials para manghingi ng tulong sa Pambansang ka­­mao.

“No plans to move camp,” wika ng chief advi­ser ni Pacquiao na si Mike Koncz.

Ang mansion sa Ge­neral Santos City ni Pacquiao ang siyang tinutungo ng mga taong may balak na tumakbo sa Barangay election sa Oktubre 28.

Dahil sa dami ng mga lumalapit para umamot ng tulong, si Pacman ay gising hanggang hatinggabi para mapaunlakan ang mga bisita.

Wala naman dapat na ipag-alala wika ni Koncz dahil hindi totoo ang mga balitang ito.

Ang compound ni Pacquiao ay hindi puwedeng pasukin ng kahit na sinong tao.

“Manny can control the flow of people into his pro­perty as he wishes,” dagdag ni Koncz.

Dalawang linggo ng nagsasanay si Pacquiao sa Gensan at nagsimula na rin ang kanyang sparring kontra sa local middleweight na si Marlon Alta.

Nasa Manila ngayon ang Kongresista mula Sarangani Province at magpa­patuloy ang kanyang pagsasanay sa MP Tower Gym sa Sampaloc mula ngayon hanggang bukas.

Show comments