U-16 team lusot sa Jordan

MANILA, Philippines - Bumangon ang Philippine team mula sa kabiguan sa Chinese Taipei matapos talunin ang Jordan, 73-60, para palakasin ang kanilang tsansa sa quarterfinal round ng 3rd FIBA-Asia Under-16 Championship sa Tehran, Iran.

Umiskor si Jolo Go ng Hope Christian School ng game-high 22 points at nagdagdag ng 14 si Ateneo cager Jolo Mendoza para sa tagumpay ng Nationals kontra sa Jordanians.

Nasolo ng Filipinos ang ikatlong puwesto sa Group F sa ilalim ng Japan at Chinese Taipei na may magkatulad na 2-0 record.

Makakatapat pa ng tro­pa ang Japan at ang India (0-2).

 

Show comments