MANILA, Philippines - Binuksan ng dalawang Philippine teams ang kanilang mga kampanya sa 3rd FIBA-Asia Under-16 Championship sa Tehran, Iran at sa 2013 FIBA 3x3 U18 World Championships sa Jakarta, Indonesia sa pamamagitan ng panalo.
Nalampasan ng Nationals ni coach Jamike Jarin ang matinding shooting ni Leonid Voronushkin para kunin ang 90-88 panalo laban sa Kazakhstan sa nasabing biennial meet.
Bumangon ang Phl team mula sa isang five-point deficit sa fourth quarter para talunin ang Kzakhstan.
Umiskor si La Salle-Greenhills’ player Mike dela Cruz ng 19 points, habang may 10 si University of the Philippines’ pride Paul Desiderio.
Winalis naman ng 3x3 squad nina Thirdy Ravena, Arvin Tolentino, Prince Rivero at Kobe Paras ang Pool B matapos talunin ang Chinese Taipei, Guatemala at Andorra.
Ang mga Filipino cagers at ang tournament favorite na USA, ang reigning champion, ang dalawa sa anim na koponang wala pang kabiguan sa torneo.