Sea Lions, Jaguars lumapit sa UCAA finals

MANILA, Philippines - Nakauna ang nagde­depensang Olivarez College at Philippine School of Business Administration sa semifinals ng 12th University and Colleges Athletic Association (UCAA) men’s basketball sa Olivarez College gym sa Sucat, Parañaque.

Sina Mark Guillen at Franklin Mancio ay guma­wa ng tig-14 puntos para pamunuan ang host team sa 88-60 pagdurog sa La Salle Dasmariñas.

Sa huling 2:10 ng ikala­wang yugto kumawala na ang Sea Lions para ha­wa­kan ang 44-31 halftime lead.

Si Eldridge Corpus na may limang puntos sa hu­ling dalawang minuto ng first half ay naghatid pa ng 13 puntos para sa nanalong koponan.

Sa kabilang banda, ang PSBA Jaguars ay na­naig sa Rizal Technological University, 97-87, dahil sa mainit na kamay ni Aries Dionisio na tumapos taglay ang 37 puntos sa isa pang semis match.

 Kailangan na lamang ng Olivarez at PSBA na manalo pa upang itakda ang pagkikita sa Finals.

 

Show comments