MANILA, Philippines - Mukhang hindi na makakabawi si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao mula sa kanyang masaklap na sixth-round KO loss kay Juan Manuel Marquez.
Ito ay dahil sa pahayag ng Mexican world four-division titlist sa BoxingScene.com na posibleng magretiro na siya ngayong taon.
“Retirement is a possibility. I won’t rule anything out right now,†wika ng 40-anyos na si Marquez, pinatumba ang 34-anyos na si Pacquiao sa sixth round sa kanilang ikaapat na paghaharap noong Disyembre 8, 2012.
Nauna nang sinabi ni Marquez (54-6-1, 40 KOs) na hindi na niya lalabanan si Pacquiao 54-5-2 (38 KOs) matapos manalo sa kanilang huling pagtatagpo.
Haharapin ni Pacquiao si Brandon ‘Bam Bam’ Rios para sa WBO International welterweight belt sa Nobyembre 23 sa The Venetian sa Macau, China.
Hahamunin naman ni Marquez si WBO welterweight king Timothy Bradley, Jr. sa Oktubre 12 sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada.
Ang WBO belt na suot ni Bradley ay kinuha niya kay Pacquiao mula sa isang split decision win noong Hunyo 9, 2012 bago napatumba ni Marquez noong Disyembre 8.
Sa isang pahayag, sinabi ni WBO president Francisco ‘Paco’ Valcarcel na posibleng maitakda ang Pacquiao-Marquez Part 5 kung mananalo sina Pacquiao at Marquez sa kanilang mga laban ngayong taon.