MANILA, Philippines - Tumipak ng apat na gintong medalya si Claire Adorna para pangunahan ang UP sa pagwalis sa UAAP men’s at women’s swimming titles na pinagÂlabanan sa Trace AquaÂtics Center sa Los Banos, Laguna kamakailan.
Si Adorna na naglaro sa FISU Summer Universiade sa Kazan, Russia noong Hulyo ay nakapagtala pa ng bagong meet record sa 400-meter freestyle na 4:33.69 at sa 200-meter back stroke sa 2:23.53.
May isang silver at bronze pa si Adorna para bigyan ng kinang ang huÂling taon ng paglangoy.
Ang magkapatid na sina Delia at Denjylie Cordero ay nagsanib pa sa pitong ginto, apat na pilak at dalawang bronze at si Denjylie ay bumura ng UAAP records sa 50-m breast (34.01), 100-m breaststroke (1:14.06), 200-m breaststroke (2:37.75) at 200-m individual medley (2:25.58).
Sa kabuuan, ang Lady Maroons ay kumulekta ng 587 puntos para talunin ang Ateneo (387) puntos at La Salle (115) puntos.
Ibinandera naman ng Maroons nina Gabe Castelo at Charlie Walker sa tig-dalawang gintong medalya para makalikom ang men’s team ng nangungunang 452 puntos.
Nasa malayong ikalawang puwesto ang La Salle sa 301 puntos habang ang nagdedepensang kamÂÂpeon na Ateneo ang pumangatlo sa 283 puntos.