Cagayan, Army pasok sa Final 4
STANDINGS W L
Cagayan 8 0
Army 8 1
Smart 5 3
Air Force 5 4
Meralco 3 5
PNP 2 6
Laro sa Biyernes
(The Arena, San Juan City)
2 p.m. PNP
vs Smart-Maynilad
4 p.m. Cagayan vs Meralco
MANILA, Philippines - Tinalo ng Cagayan ProÂvince at Philippine Army ang mga nakatunggali para kunin ang mga puwesto sa semifinals ng Shakey’s V-League Season 10 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Isinantabi ng Lady RiÂsing Suns ang pagkawala ng pambatong Thai spiker na si Kannika Thipachot sa second set nang sandalan ang husay nina Shile Pineda, Aiza Maizo at Angeli Tabaquero para makabangon mulo sa 1st set pagkatalo tungo sa 22-25, 25-20, 25-20, 25-22, panalo sa Philippine Air Force.
Si Thipachot ay itinakbo ng ospital dala ng pananakit ng tiyan.
Inilabas si Thipachot sa puntong lamang lang ng isa ang Cagayan, 16-15, pero ang hinugot ni coach Nestor Pamilar na si Pineda ay handa para punuan ang puwesto tungo sa pagtabla sa iskor sa 1-1 sa 25-20 paÂÂnalo.
Mula rito ay hindi na nagpabaya pa ang Lady Rising Suns at malaki rin ang iniambag ni Phomia Soraya na siyang nagdala sa opensa ng koponan tuÂngo sa ikawalong sunod na panalo sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
“Malaki ang tulong ng magandang laro ni Pineda dahil malaking bagay ang pagkawala ni Thipachot,†wika ni Pamilar.
Ito ang unang laro ng Cagayan matapos mapaÂhinga ng 12 araw at si Maizo ay mayroong 18 hits habang si Tabaquero ay naglista ng 13 at sila ay nagsanib sa 24 kills at 7 blocks.
May 16 attacks, 2 serves at 1 block si Rachel Ann Daquis para pamunuan ang Lady Troopers sa 25-18, 25-19, 25-19, straight sets panalo sa Meralco para sungkitin ang ikawalong panalo sa siyam na laro.
Lumabas ang tikas ng Lady Troopers sa panahong humahabol ang PoÂwer Spikers para okupahan na rin ang puwesto sa Final Four sa ligang may ayuda rin ng Accel at Mikasa.
Bagamat pasok na sa semis, magpupuntirya pa rin ng panalo ang Cagayan at Army para kunin ang number one seeding.
Bumaba ang Air Force sa pang-apat na puwesto sa 5-4 baraha habang nasa ikalima ang Meralco kapos ng dalawang panalo sa Air Women sa 3-5 karta.
- Latest