Bulldogs handa na sa pisikal na laro ng Tigers sa Game 2

MANILA, Philippines - Mas magiging handa na ang National University sa pisikal na laro na ginawa ng UST sa naitalang 71-62 panalo sa 76th UAAP men’s basketball Final  Four noong Linggo.

Aminado si Bulldogs coach Eric Altamirano na nagulat sila sa larong inilabas ng Tiges na lumayo agad. Bagamat nagsikap ang number one team sa elimination round na bu­mangon, masyadong ma­laki ang kanilang bina­balikat at kulang na ang oras sa kanila.

“Nagulat lang kami dahil UST started very aggressive on defense. I felt we did not adjust well to it,” wika ni Altamirano.

Ang kamador na si­na Bobby Parks Jr. at Emma­nuel Mbe ay hindi na­kagalaw sa pisikal na depensa ng Tigers at sa pagtatapos ng first half ay magsanib lamang sa tatlong puntos.

May mga reklamo rin sina Parks at Mbe sa mga paghawak na ginawa ng Tigers defenders sa kanila na hindi nakita ng mga referees pero hindi ito ma­laking bagay sa kanilang pagkatalo.                                                            

Ang maganda lamang sa pagiging top seed ay may isa pa silang laro para sumubok na makaabot sa Finals.

Dahil number one sa liga, nagkaroon ng twice-to-beat advantage ang Bulldogs na noon pang 1954  nakatikim ng una at huling titulo sa basketball sa UAAP.

Sa Sabado itinakda ang laro at maging ang Tigers ay tiyak na inihahanda ang sarili sa mas matinding bak­bakan lalo pa’t isa lamang sa kanila ng Bulldogs ang aabante sa finals matapos ang nasabing tagisan.

 

Show comments