St. Clare, CEU unahan sa Game 1

MANILA, Philippines - Sasagupain ng nagdedepensang Saint Clare College-Caloocan Saints ang Centro Escolar University Scorpions sa Game One ng 13th National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) men’s basketball best-of-three championship series. 

Nakatakda ang banggaan ng Saints at Scorpions ngayong alas-10:30 ng umaga sa Makati Coliseum.

Naipanalo ng CEU ni coach Edgar Macaraya ang kanilang kabuuang 11 games ngayong season mula sa average margin na 24 points, kasama dito ang 67-41 paggupo sa St. Clare noong Setyembre 13 sa pagtatapos ng elimination phase.

Tinalo naman ng  Saints  ang host Our Lady of Fatima Phoenix, 76-66, para makasagupa ang Scorpions sa finals.

Show comments